“Pangarap ko po maging sikat na mang-aawit,” ito ang madalas na sagot ni Leon sa tuwing tinatanong siya ng kanyang mga magulang kung ano ang gusto niyang maging sa hinaharap.
Para sa isang bata, tila ito’y isang simpleng pangarap. Ngunit sa isang iglap, ang lahat ay nagbago dahil sa isang trahedya.
Isang malamig na gabi, habang ang mga bituin ay naglilihim sa likod ng mga ulap, biglang pumasok sa kanilang tahanan ang mga hindi pa nakikilalang lalaki.
“Leon! Takbo!” sigaw ng kanyang ama, habang hawak ang baril na nanginginig sa kanyang kamay. Isang pagputok ng baril ang tumapos sa buhay nito. Habang ang kanyang ina naman ay pinilit siyang itago sa maliit na espasyo sa pagitan ng mga puno.
“Kahit anong mangyari, huwag kang lalabas, Leon. Ipangako mo!” huling habilin nito. Sa mga sumunod na sandali, narinig ni Leon ang mga sigaw at pagtatalo; ang boses ng kanyang ina ay tila nagiging mas malakas at mas puno ng takot. Ang mga tunog na iyon—ang mga sigaw, ang pag-iyak—ay nag-ukit sa kanyang isipan, isang alaala na hindi niya kailanman malilimutan.
Nagising si Leon sa isang malupit na pagbato ng barya sa kanyang ulo. Pungas-pungas pa siyang tumingin sa plastik na botelya ng mga pinaglimusan, nakatayo sa ilalim ng waiting shed sa harap ng isang pampublikong kainan at malaking kompanya.
Sa kanyang dalawampu’t limang taon, ulila siya at umaasa na lamang sa kakarampot na bigay ng mga taong nagpakita ng bahagyang awa. Punit-punit ang kanyang damit, madungis at magulo ang buhok. Nilalayuan siya ng mga tao, tila may takot sa kanyang amoy at itsura, na parang may nakakahawang sakit. Subalit sa kabila ng lahat, si Leon ay matatag; patuloy na lumalaban at umaasa na balang araw, ang swerte ay aayon din sa kanya.
Subalit kung mayroon mang bagay na hindi kailanman mawawala sa kanya, ito ay ang kanyang pagkahilig sa pag-awit. Tunay ngang kay ganda ng kanyang tinig, tila isang anghel na umaabot sa mga tainga ng mga dumaraan. Sa ilalim ng waiting shed, ang pag-awit ay naging kanyang tanging paraan upang makahanap ng pagkain at pag-asa.
Hanggang isang araw..
“Wow! Ang ganda naman ng boses mo. Puwede bang magpa-request?” usal ng isang babae habang nakatayo sa harapan ni Leon. Nang iniangat ni Leon ang kanyang ulo, napahinto siya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, at tila huminto ang oras sa mga sandaling iyon. Hindi niya makakalimutan ang itsura ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso: ang mga mata nitong sobrang maamo, ang maninipis na labi, ang magandang ngiti, ang maputing balat na animo’y manika, at ang mahaba at diretsong buhok.
Agad na hindi nakapagsalita si Leon, ngunit pinagbigyan niya ang request ng dalaga. Matapos iyon, nakita niya kung gaano kasaya si Casey. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng pagmamahal at pagtanggap matapos ang mahabang taon ng pangungulila. Si Casey ay isang mabait na dalaga; nalaman niyang anak ito ng isa sa mga manager ng kompanya na malapit sa waiting shed na pinupwestuhan niya.
Simula noon, hindi na nagkulang si Casey sa pagbisita kay Leon. Madalas siyang dumaan, dala ang masasarap na pagkain at ang kanyang ngiti na tila nagbibigay liwanag sa madilim na mundo ni Leon. Sa kabila ng kanilang mala-langit at lupa na agwat, hindi kailanman nagpakita ng pandidiri si Casey. Sa halip, ang bawat pag-uusap nila ay nagbigay kay Leon ng saya at pag-asa.
“Alam mo, pwede kang sumikat kasi ang ganda ng boses mo,” sambit ni Casey, ang mga mata niya ay kumikislap sa paghanga. Napakamot si Leon sa kanyang ulo, ang mga pisngi niya ay namula sa hiya.
Isang araw, nagkaroon ng ideya si Casey. “Tara, ayusan kita!” sabi niya na may siglang puno ng determinasyon. Dinala niya si Leon sa isang parlor kung saan pinaliguan siya at binigyan ng bagong damit. Habang pinapaganda siya, tila unti-unting nawawala ang takot ni Leon; nagiging mas komportable siya sa sarili.
Pagkatapos, pumunta sila sa isang guitar shop. “Pumili ka ng gitara,” utos ni Casey na may ngiti. Ang mga mata ni Leon ay nagliwanag habang pinipili ang gitara na tumutugma sa kanyang puso. Lahat ito ay sinagot ni Casey, at halos maiyak si Leon sa tagpong iyon.
“Alam mo ba kung anong dapat mong gawin?” tanong ni Casey habang naglalakad sila sa gitna ng mga tao. “Kumanta ka! Ipakita mo ang talento mo!” Nagsimula si Leon na mag-atubili, ngunit ang tiwala ni Casey ay tila nagbibigay lakas sa kanya.
“Kung may makaka-discover sa’yo na talent manager, baka sumikat ka, Leon!” Ang mga mata ni Casey ay kumikislap habang tinatapik ang kanyang balikat. Sa ilalim ng maliwanag na araw, nagsimula siyang kumanta mula sa sariling likha na liriko—isang awit na pinamagatan niyang “STARLIGHT PARADE.”
Ang malamig niyang boses ay umabot sa mga tainga ng mga tao sa paligid; unti-unting nagkumpulan sila, nakatingin kay Leon na puno ng paghanga. Ang bawat nota ay tila lumilipad sa hangin, at ang kanyang puso ay puno ng saya habang unti-unting nakukuha ang atensyon na noon lamang niya naranasan.
Lumipas ang mga araw, at sa bawat paglipas ng oras, mas lalong sumikat si Leon. Nakakuha siya ng mga pagbati at alok mula sa iba’t ibang tao upang kumanta, at ang kanyang buhay ay nagbago sa isang iglap. Ang dating palaboy, na walang tiwala sa sarili, ay ngayon isa nang magaling na mang-aawit. Kaunti na lamang ang kailangan at abot-kamay na niya ang pangarap na maging sikat sa buong bansa.
Isang araw, isang talent manager ang nag-alok sa kanya ng pagkakataong papasikatin siya. Ang kapalit nito ay maglilibot sila sa iba’t ibang lugar upang umawit. Sa labis na saya, agad na nagmamadaling pinuntahan ni Leon si Casey upang ipabatid ang magandang balita. Ngunit siya ang nagulat sa kanyang natuklasan. Hindi niya naabutan si Casey, sapagkat ipinagkasundo na ito sa isang mayamang lalaki at umalis na patungong ibang bansa.
Halos gumuho ang mundo ni Leon sa balitang iyon. Ang kanyang puso ay tila napunit; buong araw siyang umiyak, hindi makapaniwala na ang unang babae na kanyang minahal ay tuluyan na siyang iniwan. Ang mga alaala nila ni Casey ay naglalaro sa kanyang isipan—ang mga tawanan, ang mga pangarap nilang magkasama. Ngunit sa kabila ng sakit at kalungkutan, nagpatuloy si Leon na abutin ang kanyang pangarap.
Anim na buwan ang nakalipas, nakasama siya bilang isa sa mga lead performer sa isa sa pinakamalaking concert na gaganapin sa kanilang bansa. Patunay ito kung gaano na siya kasikat, ngunit tila may kulang pa rin kay Leon. Sa kabila ng kasikatan at karangyaan, may kirot pa ring nananatili sa kanyang puso—ang kalungkutan ng pagkawala ni Casey. Parang isang anino ang kanyang alaala, sumasabay sa bawat nota ng kanyang awit, nagsisilbing paalala ng isang pag-ibig na hindi niya kailanman malilimutan.
“Ito na ang pinakamalaking pagkakataon mo, Leon! Inaabangan ka ng mga tao; kapag naging matagumpay ang iyong performance, yayaman ka at maraming international artist ang kukuha sa’yo,” sambit ng kanyang matabang talent manager na ang tanging iniisip ay ang salapi. Napatango si Leon at nagpunta sa kanyang dressing room, kinuha ang gitara na ibinigay sa kanya ni Casey, at dinukot ang isang larawan nilang dalawa noong siya’y isang palaboy. Napabuga siya ng hangin at nagtanong, “Nasaan na kaya si Casey ngayon?”
Isang balita ang humatak sa atensyon ni Leon nang makita niyang iniinterbyu ang mga tao kung saan siya nagsimula, sa waiting shed na kanyang pinupwestuhan. Isang pamilyar na mukha ang nagpagulat sa kanya: isang dalaga na tila nakasalamin na nakaupo sa waiting shed. Tumulo ang luha sa mga mata ni Leon; si Casey iyon, at hindi siya maaring magkamali.
Agad siyang nag-impake at lumabas ng dressing room, ngunit pinigilan siya ng kanyang talent manager. “Saan ka pupunta? Malapit nang magsimula ang show!” Nagpumilit si Leon na umalis upang puntahan si Casey, ngunit tinakot siya ng manager. “Hindi na mauulit ang ganitong pagkakataon! Ano ang mas pipiliin mo, iyang babae o iyong career?” Napahinto si Leon at nagdalawang isip.
Tahimik na nakaupo si Casey sa waiting shed nang marinig niya ang pamilyar na boses. Nagsimulang pumatak ang kanyang luha habang hinahanap ang pinagmumulan ng tunog. “Leon? Alam kong ikaw iyan!” wika ni Casey.
Mula sa likuran, lumabas si Leon habang kinakanta ang “Starlight Parade,” isang awit na inaalay niya kay Casey. Agad niyang niyakap ito nang mahigpit at humagulgol. Nang pagmasdan niya ang mata ni Casey, halos gumuho ang kanyang mundo; tuluyan nang nabulag si Casey dahil sa isang aksidente matapos siyang tumakas mula sa isang kasunduan. Gayunpaman, hindi nawawala ang pagmamahal ni Leon para kay Casey—siya ang unang taong tumanggap sa kanya.
“Mahal na mahal kita, Casey. Hindi na tayo magkakahiwalay,” wika ni Leon.
“Pero paano na yung pangarap mo maging sikat na mang-aawit?” tanong ni Casey.
Hindi agad nakasagot si Leon, ngunit maya-maya ay ngumiti siya at muling niyakap si Casey. “Walang mas hihigit pa sayo. Ikaw ang pangarap ko,” usal ni Leon.
Muling umawit si Leon kasama si Casey sa waiting shed—ang lugar kung saan sila unang nagsimula.