May mga oras na dinadalaw ako ng lumbay,
at kahit anong gawin ay ’di pa rin masanay,
naalala ko noon kung gaano kasaya na may karamay,
may masasandalan at kamay na aakay.
Sa puntong ito na ka’y bigat ng dinadala,
parang nais ko na lang na mawala na.
Katulad na rin ako ng damong walang halaga,
umiiral sa lupa na parang ’di nakikita.
Kung pwede lang sanang bumalik sa dati,
hihilingin kong ipalit ang sarili para ikaw ang manatili.
Ngunit anong magagawa kung ikaw rin ang bumitaw,
pinili mong sumuko at pumanaw.
Ito’y madilim na simula na ’di na muli magliliwanag,
Nabawasan ng buhay at nawalan ng kulay,
hihintayin na lamang ang huling hantungan,
at sa paglubog ng araw, muli kang masilayan.