Masarap pag-usapan habang nagkakape
ang mga kakulangan ko’t kapintasan:
cafe au láit. Walang biskwit dito. Magtiis
sa mga piraso ng hiniwang baguette
na handa namin. Pagsapit ng hatinggabi
at ubos na ang tinapay, pasensya na lang.
Sarado na kasi ang Delifrance.
Panoorin ang drama ng Ingliserong
Pranses na lalapit sa aking ataul:
mag-aalay siya ng panalangin
at magsusumbong: “no more pain.”