Ang Huling Kabanata

Nanginginig ang mga kamay ni Joven habang nakapatong sa keybord ng kompyuter, ilang linggo niyang iniiwasan ang sandaling ito, mabigat ang pakiramdam, “Ang Huling Kabanata,” ng nobelang sinusulat ay malapit nang matapos.

Pero hindi lang iyon ang magtatapos.

Bumalik sa isip niya ang sinabi ng doktor: “Mabilis ang pagkalat ng kanser. Mas mabuting ituon mo ang pansin sa natitirang oras ng buhay.”

Si Burnok, ang bida sa kanyang kuwento ay umakyat sa bundok, sumalungat sa sakim na pinuno ng bayan, ay nasa huling labanan. Kailangan niyang pumili: isakripisyo ang sarili o ipaglaban ang prinsipyo para sa maliliit na mamamayan.

Ang pagpiling ito ay parang sa kanya rin. Lalaban ba siya para sa mas mahabang oras kahit pa magdusa sa sakit?
Nagsimula siyang mag-tayp, ginawa ni Burnok ang kanyang desisyon, tumayo sa harap ng mga tao at nagbigay ng isang huling nakakaantig na talumpati bago sumugod. Nagtagumpay siya ngunit may kapalit.

Bagamat natapos na ang paglalakbay ni Burnok, ang kanyang liwanag ay mananatili sa puso ng mga taong nakakikilala sa kanya.

Umupo si Joven, may mapait ngunit matamis na ngiti sa kanyang mukha. Tapos na ang kwento.

Dalawang buwan ang lumipas,

Maraming taga-hanga mula sa iba’t ibang lugar ang dumating upang ipagdiwang ang paglabas ng ”Ang Huling Kabanata,” napuno ang isang tindahan ng libro.

“Hindi man inabutan ni Joven ang araw na ito,” naluluhang wika ni Amelita, kasintahan ni Joven, habang hawak ang libro. “Pero iniwan niya sa atin ang obrang ito. Sinabi niya minsan sa akin, na ang mga kwento ay hindi talaga natatapos—nabubuhay ang mga ito sa mga taong nagbabasa nito.”

Nagpalakpakan ang mga tao.

“Magbigay-inspirasyon sana sa’tin ang akda ni Joven. Malungkot ang pagtatapos ngunit maganda rin. Iyon ang paniniwala niya, ang pinakamagandang klase ng wakas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *